Isa sa mga suspek sa pagkamatay ni Atio Castillo, nagsumite ng surrender feelers sa MPD

Kinumpirma ng Manila Police District na nagsumite ng surrender feelers si Antonio Trangia, isa sa tatlong suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Ayon kay MPD chief Senior Supt. Joel Coronel, kasabay ng pagsusumite ni Trangia ng surrender feelers ay ang pag-surrender din ng sasakyang ginamit sa pagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital.

Si Trangia, na isang miyembro ng Aegis Juris fraternity, ang nagmamay-ari ng pulang Mitsubishi Strada na ginamit umano sa pagdadala kay Atio sa ospital matapos sumailalim sa hazing.

Sinabi ni Coronel na inaasahang ngayong araw o bago ang pagdinig ng Senado bukas, ay haharap sa MPD si Trangia para linawin ang kanyang pagkakasangkot sa kaso.

Kung hindi man aniya, ay ituturing na siyang principal suspect.

Kabilang din sa mga primary suspek sa kaso ang anak ni Trangia na si Ralph na officer ng Aegis Juris fraternity, pero nakalabas na ng bansa at nakalipad na patungong Chicago, USA.

Binanggit din ni Coronel na maaaring maharap sa kaso ang ina ni Ralph sakaling mapatunayan na tinulungan niya ang kanyang anak na makalabas ng bansa.

Read more...