Panibagong oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
Inaasahang magpapatupad muli ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Ito’y bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Batay sa oil industry sources, nasa 10 hanggang 15 centavos ang madadagdag sa presyo ng diesel kada litro.
Pero wala pa naman nakikitang posibilidad na tumaas din ang presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo sa darating na linggo.
Matatandaang noong isang linggo, hind natuloy ang naka-ambang oil price hike.
Samantala, dahil sa sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng langis, hinihiling ngayon ng mga driver ng public utility jeepney na tumaas sa P10 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P8.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.