2 Pinoy nurse na may MERS sa Saudi, bumubuti na ang pakiramdam
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na gumaganda na ang kalagayan ng dalawang Filipino nurse sa Saudi Arabia na tinamaan ng nakamamatay na sakit na Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-COV.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, ang dalawang nurse na isang babae at isang lalaki ay nakalabas na ng ospital at kasulukuyan nang nagpapalakas.
Ngunit nilinaw ni Jose na ang dalawa pang nurse na parehong babae na mayroon din ng naturang sakit ay nananatili sa Intensive Care Unit ng ospital at nagpapakita na rin ng pagbuti sa kanilang kondisyon.
Dagdag pa ng tagapagsalita, sinisiguro nila na naka-monitor ang embahada sa sitwasyon ng dalawa at kung nabibigyan ito ng kaukulang lunas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.