Transport strike ng Stop and Go Coalition bukas, tuloy; MMDA at LTFRB, may libreng sakay sa mga apektado

Walang makakapigil sa transport group na Stop and Go Coalition sa kanilang isasagawang transport strike bukas, September 25 laban sa plano ng gobyerno na pag-phaseout ng mga lumang jeepney.

Ayon kay Stop and Go Coalition president Jun Magno, bagaman tuloy ang kanilang tigil-pasada, bukas pa rin sila sa isang dayalogo o pag-uusap.

Sakaling hindi aniya sila pakinggan ay itutuloy nila ang transport strike.

Bukod sa isyu ng phaseout, ipoprotesta din ng grupo ang mahal na presyo ng e-jeepneys na ipinapanukala ng gobyerno bilang kapalit sa mga lumang tradisyunal na jeepney.

Sinabi ni Magno na hindi kakayanin ng mga driver ang magbayad ng P1.6 million na presyo ng bawat unit, sa loob ng pitong taon.

Samantala, magbibigay ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportatio Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pasaherong maaapektuhan ng tigil-pasada bukas.

Tig-sampung bus ang ilalaan ng MMDA at LTFRB sa mga lugar na maaapektuhan ng tranport strike.

Kabilang na staging area para sa public service na maaaring sakyan ng mga maaabalang pasahero ay:

– Monumento, harap ng MCU Hospital Southbound
– SM Marikina
– Luneta Parade Ground
– HK Sun Plaza Swift
– Technohub
– MMDA Parking Lot
– Camp Aguinaldo

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, hindi naman nila ili-lift ang number coding bukas para hindi maaapektuhan ang riding public.

Kaugnay nito ay nagbanta rin ang Stop and Go ng kasunod na tigil pasada sa Martes, September 26.

Read more...