UST, maaaring managot sa pagkamatay ni Horacio Castillo III ayon sa CHED

By Mariel Cruz September 24, 2017 - 01:52 PM

Kuha ni Jan Escosio

Posibleng managot ang University of Sto Tomas sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

Ito ay kung sinunod ng eskwelahan ang procedure ng pagsasagawa ng hazing.

Ayon kay CHED Executive Director Julito Vitriolo, sakaling mapatunayan na sumunod ang UST sa procedure sa hazing ng Aegis Juris Fraternity, may pananagutan sila dito.

Pero kung sasabihin aniya nila na wala silang kaalam-alam, at itinago sa kanilang ang nangyari, ito ang maaari nilang maging depensa.

Sinabi din ni Vitriolo na marami nang kaso ng estudyante na namamatay dahil sa hazing, pero kakaunti lamang ang nasasampahan ng kaso o nakukulong.

Si Castillo ay nasawi dahil malubhang mga sugat na natamo matapos sumailalim sa initiatio rites ng Aegis Juris Fraternity.

Kaugnay nito, sinabi din ni Vitriolo na dapat amyendahan na ang mga loophole sa “Anti-Hazing Law”.

Kailangan na aniyang i-address ng mga mambabatas ang mga posibleng butas sa naturang batas.

Bukas nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ang Senado ukol sa pagkasawi ni Castillo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.