Malaking bahagi ng Mindanao, makararanas ng mga pag-ulan
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) na namataan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon sa weather bureau, makararanas ng mga pag-ulan ng malaking bahagi ng Mindanao, kabilang na ang Surigao Del Sur, Compostella Valley, Davao Oriental, Davao Occidental at Davao Del Sur.
Sa latest weather bulletin ng PAGASA, as of 8am, ang LPA ay nasa labas ng PAR, pero malaki ang tsansa na hindi ito magiging ganap na bagyo.
Samantala, nakalabas na ng bansa ang bagyong Nando, na nagdala ng mga pag-ulan sa Bicol at Central Luzon, at patungo na ito sa China.
Ang Metro Manila, Visayas at nalalabing bahagi ng bansa ay inaasahang makararanas ng magandang panahon, ayon sa PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.