Libu-libong tao, tumungo sa UPLB upang makakuha umano ng pera mula sa pamilya Marcos

By Justinne Punsalang September 24, 2017 - 04:25 AM

Dinagsa ng libu-libong katao ang University of the Philippines Los Baños Campus kahapon matapos kumalat ang mga bali-balitang mamimigay umano ang pamilya Marcos ng pera sa isang ‘Marcos event.’

Ayon sa ulat ng offical student publication ng naturang pamantasan na UPLB Perspective, ang mga dumalo na mula sa mga probinsya ng CALABARZON at mga kalapit na lalawian sa Luzon ay pinangakuan umanong makakatanggap ng pera mula sa pamilya Marcos.

Ayon pa sa UPLB Perspective, sinasabing ang ‘Bullion Buyer LTD’ ang nag-organisa ng naturang pagtitipon, habang ang permit naman para dito ay ibinigay sa grupong ‘One Social Family Credit Cooperative’ na napag-alamang magkaparehong grupo lamang.

May mga hawak na booklet ng ‘The Life and Achievements of Ferdinand Marcos’ ang mga dumalo, na sinabihan umanong makakatanggap ng tig-iisang milyong piso bawat isa.

Alas tres pa lang ng madaling araw ay nagsimula nang nagsidatingan ang mga taong umaasang makakatanggap ng pera.

Pagdating naman ng hapon ay sinalubong ng protesta mula sa mga mag-aaral ng UPLB ang naturang pagtitipon.

Samantala, sa isang pahayag, sinabi ni dating senador Bongbong Marcos na wala silang kinalaman sa naturang programa.

Aniya, isa lamang itong scam o panloloko dahil ang tanging intensyon lamang umano ng mga nag-organisa nito ay mapagsilbihan ang kanilang sariling interes.

TAGS: Marcos ill-gotten wealth, UPLB, Marcos ill-gotten wealth, UPLB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.