Pilipinas, pangatlo sa ‘worst plastic polluter of oceans’ ayon sa Greenpeace
Tinagurian ng Greenpeace, isang environmental group, sa kanilang latest report ang Pilipinas bilang pangatlo sa ‘worst polluter into the world’s oceans.’
Sa ginawang clean-up campaign ng Greepeace sa Manila Bay nitong buwan ng Setyembre, nakuha nila ang mga plastic waste kagaya ng plastic bag, plastic bottle at bottle labels, at mga straw.
Mahigit sa 54,200 na pirasong plastic waste ang narekober mula sa Manila Bay.
Ayon kay Greepeace campaigner Abigail Aguilar, mga Western consumer giant corporation ang nasa likod ng plastic pollution sa karagatan.
Ayon pa sa naturang environmental group, ang mga bansang mayroong ‘sachet economy’ kagaya ng Pilipinas at iba pang mga papaunald pa lamang na mga bansa ang madalas na nagdudulot ng polusyon sa karagatan. Ito umano ay dahil sa limitadong sweldo ng mga mamamayan kaya naman napipilitan ang mga ito na bumili madalas ng tingi, na nagdudulot naman ng mas maraming plastic waste.
Dagdag ng Greenpeace, nasa 1.88 milyong tonelada ang inilalabas na plastic waste ng Pilipinas kada taon.
Una sa listahan ng Greepeace ang China, at sumunod naman ang Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.