DFA Secretary Cayetano, humingi ng benefit of the doubt mula sa UN tungkol sa war on drugs ng pamahalaan

By Justinne Punsalang September 24, 2017 - 04:13 AM

Photo: Screen grabbed from UN Web TV

“Benefit of the doubt.”

Ito ang hiniling ni Department of Foregin Affairs Secretary Alan Peter Cayetano mula sa United Nations tungkol sa patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Inulit ng kalihim na ang war on drugs ng Duterte administration ay hindi nilalabag ang karapatang pantao at hindi rin nito kinukunsinte ang pang-aabuso ng mga pulis.

Ani Cayetano, kinakailangan ang comprehensive na war on illegal drugs upang maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat isang Pilipino.

Aniya, hindi ito ginagamit upang malabag ang karapatan ng kahit na sino.

Dagdag pa ni Cayetano, habang rehabilitasyon ang kailangan para sa mga nalulong na sa iligal na droga, kailangan naman ng ‘stern measures’ para sa sangkot sa drug trafficking, bagaman sumusunod pa rin ito sa rule of law.

Ayon sa datos noong August 2017, limamput siyam na porsyento ng mga barangay sa bansa ang sangkot sa illegal drug trade, habang apat hanggang pitong milyong Pilipino naman ang gumagamit ng iligal na droga.

Binanggit din ni Cayetano na mayroong ‘symbiotic relationship’ sa pagitan ng terorismo, kahirapan, at illegal drug trade sa bansa

 

TAGS: 72nd Session of the General Assembly of the UN, Alan Peter Cayetano, 72nd Session of the General Assembly of the UN, Alan Peter Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.