Sandiganbayan, naglabas ng not guilty plea para kay Senador Gringo Honasan
Matapos walang ihain na plea si Senador Gringo Honasan sa Sandiganbayan ay mismong si Second Division chair Associate Justice Oscar Herrera Jr., ang naghain ng not guilty plea para sa senador.
Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan ang motion to quash ni Honasan para sa kasong graft at ang mosyon na inihain nito na ipagpaliban ang kanyang arraignment para sa sinasabing maling paggamit nito ng kanyang tatlumpung milyong pisong pork barrel fund limang taon na ang nakakalipas.
Matatandaang mismong ang abogado ni Honasan na si Dennis Manalo ang nagsabi dito na huwag magbigay ng plea.
Ayon kay Herrera, hindi nila pini-prejudge ang kaso laban sa senador. Aniya, naniniwala pa rin siyang tinatamasa pa rin ng senador ang kanyang ‘presumption of innocence.’
Noong nakaraang buwan ng Agosto ay kinasuhan si Honasan ng dalawang counts ng paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corruption Practices Act dahil sa napansing irregularities nang gamitin nito ang kanyang PDAF allocation para sa livelihood projects ng Muslim communities sa kalakhang Maynila at Zambales sa pamamagitan ng National Commission for Muslim Filipinos.
Pagkasampa ng kaso ay agad rin namang nagbigay ng animnapung libong pisong piyansa si Honasan sa isang korte sa Biñan, Laguna.
Nag-ugat ang kaso laban kay Honasan sa sinasabing iregularidad sa kanyang endorsement sa Focus bilang partner nongovernment ogranization o LGU para sa mga proyektong nilaanan ng P29.1 milyong piso mula sa kanyang PDAF noong 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.