Mga bakwit, hindi pa rin pinapayagang makauwi ng Marawi

By Justinne Punsalang September 24, 2017 - 02:42 AM

FILE PHOTO

Hindi pa rin inaabisuhan ang mga bakwit na bumalik sa kani-kanilang mga tahanan sa Marawi City dahil sa patuloy na pagpapalitan ng putok sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng ISIS-inspired Maute terror group.

Ayon sa tagapagsalita ng Lanao del Sur crisis management committee na si Zia Alonto Adiong, wala pang pinal na abiso mula sa Joint Task Force Marawi na maaari nang pauwiin ang mga bakwit.

Nilinaw naman ni Adiong na mayroong mga residente na nanatili sa kanilang mga bahay at hindi na lumikas papunta sa mga kalapit na lugar ng lungsod.

Aniya, ang mga ito ay hindi ikinokonsiderang ‘returnee’ dahil hindi naman sila umalis sa kanilang lugar malapit sa Mindanao State University, Provincial Police Station, at sa bahagi ng Barangay Basak Malutlut.

Samantala, ayon kay presidential spokesperson Ernestoo Abella, nananatili po ring sarado ang Masjid Abu Bakr Mosque na nasa loob ng main battle area sa Marawi.

Ayon pa kay Abella, kabilang sa mga nabawi na ng pamahalaan ang Grand Mosque, Jamiatul Philippines Al-Islamiya School, Bayabao o Bangolo, at Masiu Bridges, Pacasum Square, maging ang mga pangunahing moske sa Barangay Marinaut.

TAGS: bakwit, Marawi City, marawi siege, Zia Alonto Adiong, bakwit, Marawi City, marawi siege, Zia Alonto Adiong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.