Militar, naglunsad ng strike laban sa mga miyembro ng BIFF sa Maguindanao

By Rhommel Balasbas September 24, 2017 - 02:37 AM

Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang sugatan matapos makasagupa ang militar sa Guindulungan, Maguindanao.

Nagsagawa ang militar ng isang preemptive artillery strike matapos mapag-alamang may balak atakihin ng mga rebelde ang mga sundalo sa bayan.

Ayon kay Philippine Army 6th Infantry Division Public Affairs Officer Captain Arvin Encinas, pawang mga tauhan ng nagngangalang Imam Bongos ang balak sanang magsagawa ng pag-atake.

Si Imam Bongos ang lider ng tatlong paksyon ng BIFF na umano’y sinusundan ang yapak ng Islamic State of Iraq and Syria.

Nakilala lamang ang mga sugatang mga militante sa mga pangalang Dimas, Sanggutin, Usop at Yasser.

Ayon sa mga awtoridad, wala namang nasawi sa bakbakan ngunit nagdulot ito ng takot at pangamba sa mga residente.

TAGS: bangsamoro islamic freedom fighters, Guindulungan, maguindanao, Philippine Army 6th Infantry Division, bangsamoro islamic freedom fighters, Guindulungan, maguindanao, Philippine Army 6th Infantry Division

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.