Comfort women ng WWII, binigyang pugay sa San Francisco, California
Isang monumento upang alalahanin ang “comfort women” ng World War II ang pinasinayaan sa San Francisco, California.
Naglalarawan ang mga life-size na rebulto sa mga kababaihang mula sa Pilipinas, Korea at China na umano’y biktima ng “forced prostitution” ng mga sundalong Hapon noon.
Ayon kay Comfort Women Justice Coalition (CWJC) Co-Chair Julie Tang, dapat alalahanin ang paghihirap ng mga kababaihan sa “forced prostitution” upang maiwasang maulit muli ang mga pangyayaring ito.
Samantala, isang hiwalay na rebulto naman ni Grandma Haksoon Kim, ang kauna-unahang babaeng umaming “comfort woman” ang itinayo rin na nakatingin sa tatlong babae.
Nauna nan gang humingi ng paumanhin ang Japan sa mga naging comfort women at nangakong magbibigay ito ng 1 billion yen bilang tulong.
Pinaniniwalaang malaki ang bilang ng naging comfort women noong World War II.
Ayon sa South Korea, sa bansa pa lamang nila ay nagkaroon ng halos 200,000 comfort women.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.