Pilipinas, nakatikim ng unang talo sa 2017 Fiba Asia Champions Cup

By Rhommel Balasbas September 24, 2017 - 02:07 AM

Photo: FIBA.com

Nakatikim ng unang talo ang Chooks-to-Go Pilipinas sa bid nitong manalo sa 2017 Fiba Asia Champions Cup sa Chenzhou Sports Center sa Chenzhou, China.

Wagi ang Palestine laban sa Pilipinas sa iskor na 89-82.

Nahirapan ang Chooks-to-Go na sagutin ang combined 63 points na naitala ng mga manlalaro ng Sareyyet Ramallah ng Palestine na sina Jamal Abu-Shamalah, Todd O’Brien at Anthony Weeden.

Nagtala ang tatlo ng kapwa double digit scores kung saan tig 21 points sina Shamalag at Weeden habang may 20 points si Weeden.

Naganap ang laban kagabi, wala pang 24 oras nang matalo naman ng Pilipinas ang Kazakhstan noong Biyernes.

Muling pinangunahan ni Ravena ang Chooks matapos magtala ng 24 points na sinundan ni Jeron Teng na may 18 points.

Sunod na makakalaban ng Pilipinas ang Mono Vampire ng Thailand na kasalukuyan na ring may tig-isang panalo at talo.

TAGS: 2017 Fiba Asia Champions Cup, Chooks-to-go Pilipinas, jeron teng, kiefer ravena, Palestine, Sareyyet Ramallah, Team PH, 2017 Fiba Asia Champions Cup, Chooks-to-go Pilipinas, jeron teng, kiefer ravena, Palestine, Sareyyet Ramallah, Team PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.