Tuluyan nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si Bagyong Nando.
Sa huling abiso ng PAG-ASA, binanggit nito na ang mata ng naturang bagyo ay huling namataan sa 435 kilometro silangan-hilagang silangan ng Dagupan City, Pangasinan.
Napanatili nito ang maximum sustained winds na 45 kilometero kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot naman sa 60 kilometers per hour.
Samantala, binabantayan naman ng PAG-ASA ang isang low pressure area (LPA) na huling namataan sa 40 kilometers hilaga-hilagang silangan ng bayan ng Alabat sa lalawigan ng Quezon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.