Operasyon ng Uber sa London ipinahihinto na

By Den Macaranas September 23, 2017 - 07:20 PM

AP

Hanggang sa katapusan na lamang ng buwan ng Setyembre ng kasalukuyang taon mag-ooperate ang Transport Network Service na Uber sa London.

Sa inilabas na advisory ng Transport for London (TfL), kanilang sinabi na hindi na nila ire-renew ang permit ng Uber na matatapos sa September 30.

Ipinaliwanag ng TfL na kanilang ikinukunsidera ang “public safety and security implications” kaya hindi na nila pahihintulutan pa ang operasyon ng Uber sa buong London.

May kaugnayan ito sa maraming mga reklamo na kanilang tinatanggap kabilang na ang ilang criminal acts na kinasasangkutan ng mga Uber driver sa lugar.

Gayunman ay mayroong dalawang linggo ang Uber para umapela sa desisyon ng TfL.

Aminado si London Mayor Sadiq Khan na malaki ang magiging epekto ng pagkawala ng Uber sa kanyang lungsod dahil umaasa dito ang halos ay 3.5 million na mga pasahero araw-araw.

Apektado rin daw ng desisyon ang mahigit sa 40,000 Uber driver sa London pero mas pinahahalagahan ng kanilang pamahalaan ang kaligtasan ng publiko.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Uber U.K Director Fred Jones na hindi makatwiran ang desisyon ng TfL dahil tulad ng mga tsuper ng mga black cab at mini cab ay dumaan rin sa mahigit na background checks ang kanilang mga kinukuhang driver-partners.

TAGS: london, tfl, transport network service, Uber, london, tfl, transport network service, Uber

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.