Bagyong Nando magpapaulan sa magdamag ayon sa PAGASA

PAGASA

Isa ng ganap na bagyo ang sama ng panahon na namataan sa Kanlurang bahagi ng Dagupan City sa Pangasinan.

Kaninang alas-tres ng hapon ay namataan ang Tropical Depression na si Nando sa layong 280 kilometro Kanluran Hilagang-Kanluran ng Dagupan City taglay ang lakas ng hangin na 45 kilometers per hour.

Si Nando ay may pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour malapit sa gitna at patuloyna tinatahak ang direksyon patungong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 24 kilometers per hour.

Inaasahang magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang sama ng panahon sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Pangasinan, Tarlac at natitirang bahagi ng Central Luzon.

Sinabi ng PAGASA na asahan na rin ang mga pag-ulan ngayong hapon at gabi sa Metro Manila, Mindoro at lalawigan ng Palawan.

Pinaghahanda naman sa mga localized thunderstorms ang mga residente sa Visayas at Northern Mindanao.

Sinabi rin ng PAGASA na magiging maalon ang karagatan sa mga lalawigan ng Bataan, Zambales at Pangasinan dulot ng bagyong si Nando.

Read more...