Duterte, iminungkahing italaga bilang traffic czar ayon sa isang mambabatas
Hinimok ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo si Pangulong Benigno Aquino III na italaga si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government o DILG o kaya ay bilang Traffic Czar.
Paliwanag ni Castelo, matapos ang anunsyo ni Duterte na hindi talaga siya tatakbong Presidente sa 2016 elections, dapat ay samantalahin na ito ng pamahalaan para kunin ang kaniyang serbisyo upang matugunan ang traffic problem sa Metro Manila.
Payo ni Castelo sa pangulo, samantalahin na nito ang talento at kakayahan ni Duterte, na nababagay bilang DILG secretary o bilang Traffic Czar.
Kahapon, pinal nang inihayag ni Duterte na hindi siya sasabak sa presidential race sa 2016 Polls sa kabila ng public clamor.
Sa halip, magreretiro na raw siya sa susunod na taon, alinsunod na rin sa kagustuhan daw ng kanyang mga anak.
Si Duterte ay nakilala sa mala-kamay na bakal na pamumuno nito sa Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.