Mga bank accounts sa abroad ni Trillanes ilalalabas na ni Duterte
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa siya tapos sa pagkalkal sa mga tagong yaman ni Sen. Antonio Trillanes.
Sa isang roundtable discussion kasama ang mga miyembro ng media sa Davao City ay sinabi na isasapubliko rin niya pati ang mga partners ni Trillanes na nasa likod ng mga bank accounts sa abroad.
Binigyang-diin rin ni Trillanes na galing sa “foreign government” ang mga detalye na kanyang isasapubliko tungkol sa mga offshore accounts ng mambabatas.
Imposible umanong hindi alam ng senador ang kanyang mga sinasabing deposito sa bangko dahil base sa hawak niyang mga impormasyon ay nananatiling active ang mga accounts na ito.
Inamin rin ni Duterte na sinadyan niyang ibahin ang dalawang numero sa itinatagong Singapore account ni Trillanes at kumagat ito sa kanyang pain.
Sa mga susunod na araw anya ay isasambulat niya sa media ang lahat ng mga bank accounts na ito na ang impormasyon ay nagmula pa sa ibang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.