Sa kabutihang palad, kinumpirma ng Office of Emergency Services ng Humboldt County na wala namang kahit anong naitalang pinsala o nasaktan dahil sa pagyanig.
Nasundan ito ng magnitude 5.6 na lindol na mas malapit sa pampang.
Tumama ang dalawang nasabing lindol sa kanluran ng Petrolia sa California.
Mababaw lang ang dalawang naitalang pagyanig kaya mas malakas ang naging epekto nito, gayunman, hindi naman ito masyadong naramdaman sa baybayin.
Samantala, hindi naman na masyadong iba para sa California ang makaranas ng magnitude 5 pataas na mga lindol dahil sa pagiging seismically active nito.
Naituturing pang moderate ang ganito kalakas na lindol na maaring magdulot ng iilang pinsala kung tatama man sa matataong lugar.
Ngunit bihira naman itong makapagdulot ng matinding problema oras na sa dagat ito tumatama.