Honasan, hindi nag-hain ng plea sa mga kasong graft

By Kabie Aenlle September 23, 2017 - 08:00 AM

Tumanggi si Sen. Gringo Honasan na maghain ng plea sa mga kasong graft na inihain laban sa kaniya kaugnay ng umano’y maling paggamit ng kaniyang pork barrel funds.

Dahil dito, napilitan ang Sandiganbayan Second Division na magpasok na lang ng “not guilty” plea para sa senador sa kaniyang arraignment.

Nagpatuloy ang arraignment kay Honasan matapos ibasura ng korte ang apat na mosyon na kanilang inihain, kabilang na ang isang motion to quash the warrant of arrest, motion for reinvestigation, motion to dismiss at motion to defer arraignment.

Ibinasura ng korte ang lahat ng nasabing mosyon dahil tapos na ang itinakdang panahon para sa paghahain nito.

Nang tanungin naman si Honasan kung bakit hindi siya nagpasok ng plea, sinabi lang niya na nasa korte na ito.

Naakusahan si Honasan ng maling paggamit sa kaniyang P30 milyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dapat ay magpo-pondo sa mga small and medium enterprise o livelihoof projects para sa mga Muslim communities sa Metro Manila at Zambales.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.