Imbestigasyon sa tagong yaman ni Bautista, itutuloy pa ng Senado

By Kabie Aenlle September 23, 2017 - 05:15 AM

Ipagpapatuloy ng Senado ang imbestigasyon tungkol sa umano’y tagong yaman ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista.

Ito’y matapos ibasura ng Kamara ang impeachment complaint na inihain laban kay Bautista.

Ayon kay Senate committee on banks, currencies and financial institutions chairman Francis Escudero, ipagpapatuloy nila ang pagdinig oras na pormal at pinal nang ibasura sa plenaryo ang impechment complaint.

Ipinagpaliban kasi muna ang imbestigasyon nito sa Senado nang simulan ng Kamara ang pagdinig naman sa impeachment complaint laban kay Bautista.

Target ng Senado na sunod na alamin ang tungkol sa iba’t ibang bank accounts umano ni Bautista, ngunit wala rin silang mapapala dito kung hindi pipirma ng bank secrecy waiver ang COMELEC chairman.

Matatandaang lumantad ang misis ni Bautista na si Patricia, para ibunyag ang aniya’y hindi tapat na paglalahad nito ng kaniyang statement of assets, liabilities and net worth dahil may mga tagon yaman pa umano ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.