Hindi matukoy na laman-dagat, napadpad sa pampang sa Maasin City
Isang hindi pa matukoy na malaking laman-dagat ang namataang palutang-lutang sa pampang sa Barangay Combadao sa Maasin City, Southern leyte.
Hindi na matukoy ng tauhan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang nasabing laman-dagat dahil nabubulok na ito at naglalabas na ng masangsang na amoy.
Nagdesisyon naman ang city agriculture office na i-tow na lamang ang hayop dahil hindi nila ito kayang hati-hatiin at ilibing dahil sa laki nito.
May sukat kasi itong sampung metrong haba, at lapad na isang metro.
Kinailangan din nila itong alisin agad sa pampang dahil maituturing nang masama sa kalusugan ang masangsang na amoy na inilalabas ng nabubulok na hayop.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.