Impeachment case laban sa kaniya, sasagutin na ni Sereno

Handa na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na sagutin ang impeachment complaint laban sa kaniya sa susunod na linggo.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Josalee Deimla, punto por puntong sasagutin ni Sereno ang lahat ng mga grounds ng impeachment na ipinupukol sa kaniya.

Matatandaang inaakusahan si Sereno ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.

Kaugnay umano ito sa hindi tapat na pagdedeklara ni Sereno ng kaniyang statement of assets, liabilities and net worth, at magarbong pag-gastos sa pondo ng hudikatura.

Bagaman nag-file ng wellness leave si Sereno matapos maisampa ang impeachment complaint laban sa kaniya, iginiit ni Deimla na nananatiling seryoso ang punong mahistrado sa pagganap sa kaniyang mga tungkulin.

Samantala, inanunsyo naman ni Deimla na magpapaunlak ng panayam sa media si Sereno pagkatapos niyang ihain ang kaniyang tugon sa Kamara sa Lunes.

Read more...