Mga nag-rally sa National Day of Protest, nagpataas ng “public discourse” – Palasyo
Napuna ng Malakanyang na itinaas ng mga ginanap na rally sa National Day of Protest ang public discourse dahil sa pagiging ‘issue-oriented’ ng mga ito.
Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, karamihan sa mga isyu na tinalakay sa mga kilos protesta ay ang problema ng mga mamamayan at hindi pawang mga pagtuligsa sa mga personalidad sa pamahalaan.
Partikular na tinalakay ang brutal na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga, anti-crime efforts, at mga sinasabing paglabag sa karapatang pantao.
Sinigurado rin ni Abella na mayroon silang ‘healthy response’ para sa mga naturang isyu.
Aniya, proactive ang administrasyong Duterte at sa katunayan ay nagsasagawa ito ng imbestigasyon tungkol sa mga sinasabing extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.