Apat pang ng Aegis Juris Fraternity isinailalim sa lookout bulletin ng DOJ

Nagpalabas ng panibagong Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga hinihinalang may kinalaman sa pagpatay kay Horacio Castillo III.

Sa apat na pahinang memorandum na may petsang September 22, 2017 at pirmado ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II, nadagdagan ng apat ang listahan ng mga suspek sa pagpatay kay Castillo na nasa ilalim ng ILBO.

Mula sa labing anim na orihinal na nasa ILBO, nasa dalawampu na ngayon ang nasa listahan na inilabas dahil sa posibilidad na sila ay tumakas palabas ng bansa para hindi maabot ng kamay ng batas.

Kasama sa ILBO sina:

1. Arvin Balag
2. Aeron Salientes
3. Marcelino Bagtang
4. Zimon Padro
5. Jose Miguel Salamat
6. John Paul Solano
7. Ged Villanueva
8. Milfren Alvarado
9. Daniel Ragos
10. Dave Felix
11. Carl Matthew Villanueva
12. Mhin Wei Chan
13. Marc Anthony Ventura
14. Axel Munro Hipe
15. Oliver John Audrey Onofre
16. Joshua Joriel Macabali
17. Jason Adolfo Robinos
18. Ralph Trangia
19. Ranie Rafael Santiago, at
20. Danielle Hans Matthew Rodrigo

Ang apat na bagong nadagdag na pangalan ay sina Villanueva, Alvarado, Ragos at Felix.

Inaasatan ng DOJ ang lahat ng mga immigration officer na maging mapagmatyag sakaling mamataan ang nasabing mga indibidwal sa mga intenational airport at seaport.

Iniutos din ng DOJ sa BI na makipag-ugnayan sa PNP at NBI sakaling tangkain nila na lumabas ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...