Vice Mayor ng Roxas, Oriental Mindoro, patay sa pananambang

By Erwin Aguilon, Justinne Punsalang September 22, 2017 - 08:11 PM

Patay ang bise alkalde ng bayan ng Roxas sa lalawigan ng Oriental Mindoro matapos itong pagbabarilin habang nanonood ng TV.

Kinilala ang biktima na si Vice Mayor Jackson Cinco Dy, limamput walong taong gulang at residente ng Barangay Bagumbayan sa Roxas.

Ayon sa inisyal na impormasyon, nanonood si Dy ng telebisyon sa Christians Car Wash habang hinihintay nito ang kanyang sasakyan na isang Toyota Fortuner.

Nilapitan umano ng hindi pa nakikilang gunman si Dy at isang beses itong binaril sa likod ng kanyang ulo, na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Tumakas ang salarin sakay ng isang motorsiko na minamaneho ng hindi nakilalang rider.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad tungkol sa pamamaril.

Samantala, ongoing naman ang manhunt operation ng Roxas Municipal Police Station upang mapag-alaman ang pagkakakilanlan at maaresto ang mga suspek.

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush, Jackson Dy, Roxas City, Vice-mayor, ambush, Jackson Dy, Roxas City, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]