Mga miyembro ng Aegis Juris, pinigilan umano magsalita ayon kay Aguirre
Pinigilan umano ng mga senior members ng Aegis Juris fraternity ang kanilang mga ka-brod na na magsalita ayon sa inpormasyong natanggap ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng pagkamatay ni Honracio Atio Castillo.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang naturang impormasyon ay mula sa isang ni-recruit para sa fraternity pero hindi piniling sumali.
Aniya ay personal itong nakipagkita sa kanya at ikinuwento ang ibinahaging impormasyon ng isa sa mga mga miyembro na nasa naganap na initiation rites kay Castillo.
Kaugnay nito, sinabi ni Aguirre na ang nasabing fraternity member ay nakikipag-ugnayan sa DOJ sa pamamagitan ng text messages.
Nanawagan si Aguirre sa mga miyembro ng fraternity na lumutang na at linisin ang kanilang pangalan.
Kasabay nito, inalok ni Aguirre ang mga ito na sila ay bibigyan ng proteksyon sa sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.