Dito muna manunuluyan ang mga residente ng Marawi bago sila makalipat sa mga permanenteng tirahan sa loob ng lungsod.
Ayon kay Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC Eduardo del Rosario, ang mga naturang temporary shelters ay binuo sa 13-hectare area na malapit sa mismong lungsod ng Marawi.
Bukod sa mga temporary housing, ginagawa rin ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Housing Authority ang isang low-rise condominium building na mayroong floor area na 22 square meters para naman sa mga low-income earners.
Samantala, sinabi naman ng mga tropa ng pamahalaan na nakikipagbakbakan sa ISIS-inspired Maute na nalalapit na ang pagtatapos ng nagaganap na gulo sa lungsod.
Sa huling datos, nasa tatlong daang mga gusali pa sa main battle area ang hindi pa na ki-clear ng mga militar.