1,000 temporary houses pwede nang matirahan ng mga naapektuhan ng gulo sa Marawi City

By Justinne Punsalang September 22, 2017 - 06:36 PM

Nasa isang libong mga temporary houses na kasalukuyang binubuo ng pamahalaan ang maaari nang matirhan ng mga biktima ng kaguluhan sa Marawi City sa December ngayong taon.

Dito muna manunuluyan ang mga residente ng Marawi bago sila makalipat sa mga permanenteng tirahan sa loob ng lungsod.

Ayon kay Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC Eduardo del Rosario, ang mga naturang temporary shelters ay binuo sa 13-hectare area na malapit sa mismong lungsod ng Marawi.

Bukod sa mga temporary housing, ginagawa rin ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Housing Authority ang isang low-rise condominium building na mayroong floor area na 22 square meters para naman sa mga low-income earners.

Samantala, sinabi naman ng mga tropa ng pamahalaan na nakikipagbakbakan sa ISIS-inspired Maute na nalalapit na ang pagtatapos ng nagaganap na gulo sa lungsod.

Sa huling datos, nasa tatlong daang mga gusali pa sa main battle area ang hindi pa na ki-clear ng mga militar.

TAGS: December, hudcc, marawi, Maute, temporary houses, December, hudcc, marawi, Maute, temporary houses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.