Oplan Greyhound, isinagawa ng BJMP sa Marikina City Jail
Kasama ang ilang ahente ng PDE at pulisya, nagsagawa ng Oplan Greyhound ang Bureau of Jail Management and Penology sa Marikina City Jail.
Masusing sinuri ang mga gamit ng mga preso sa paghahanap ng mga kontrabando matapos silang palabasin ng kanilang selda.
Gumamit pa ang mga jail officers ng drug-sniffing dog sa paghahananap ng droga.
Makalipas ang dalawang oras, wala naman nakuhang anuman kontrabando ngunit kinumpiska ang sobrang damit ng mga detenido at mga electric fan.
Katuwiran ng mga jail officers nagiging ugat ng away ang electric fan sa hanay ng mga preso.
Aminado naman sila na malaking isyu ang sobrang siksikan sa pasilidad, na may kapasidad lang na 96 detenido ngunit halos 1,000 ang nakapiit sa anim na selda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.