Isinagawa ang survey mula June 5 hanggang 8, kung saan nakapagtala ng 23.2 percent ng mga pinoy na jobless o katumbas ng 10.5 million katao.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 4.1 points humara sa 19.1 percent na jobless na mga pinoy na naitala sa unang quarter ng kasalukuyang taon.
Sa 10.5 million na mga pinoy na walang trabaho, 4.7 million dito ang nagsabing boluntaryo silang nagbitiw sa dating pinapasukan.
Mayroon namang 10 percent o 4.4 million ang nagsabing sila ay nawalan ng trabaho matapos magpatupad ng retrenchment program ang kanilang employers, habang 6 percent ang hindi na nai-renew ang kontrata.
Mas maraming babae o nasa 31.3 percent ang naitalang walang trabaho sa nasabing survey, habang 16.9 percent naman ang mga lalaki.