Prosekyusyon, may lima pang witness laban kay Pemberton

June 08, 2015 - 01:04 PM

pemberton walking
Kuha ni Erwin Aguilon

Pinatotohanan ni Agent Jeremy Dastrup ng Naval Criminal Investigative Service ng US Navy na mayroong awtoridad si Dr. Kenny Choi upang magsagawa ng examination kay L/Cpl. Joseph Scott Pemberton.

Sa kanyang pagsalang sa witness stand sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kasong pagpatay ni Pemberton sa transgender na si Jeffrey ‘Jennifer’ Laude, sinabi ni Dastrup na hindi lamang Battalion Commander ang may karapatang magpalabas ng utos sa US Navy na una nang kinuwestyon ng panig ng  depensa noong nakaraang linggo.

Ayon kay Agent Dastrup, maging ang Commanding Officer ay maaring maglabas ng ‘command authorization’ search sa kanyang nasasakupan.

Sinabi rin ng testigo na kasama siya ni Dr. Choi nang suriin si Pemberton at isa rin siya sa kumuha ng testimonya ng ‘liberty buddy’ nito na si Lance Corporal Benette Dahl.

Samantala, tatlong pagdinig na lamang ang inilaan ng hukuman para dinggin ang testimonya ng lima pang witness na ipiprisinta ng prosekyusyon sa kaso ni Pemberton. / Erwin Aguilon

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.