Malakanyang, nilinaw na walang anunsyo ng suspensyon sa ASEAN summit sa Nobyembre

By Isa Avendaño-Umali September 22, 2017 - 12:25 PM

Nilinaw ng Malakanyang na wala pang pormal na anunsyo hinggil sa suspensyon ng trabaho at klase sa November 12 hanggang 15, 2017 o linggo ng 31st ASEAN Summit.

Kumakalat kasi sa social media na suspendido ang trabaho maging ang pasok sa mga eskwelahan sa naturang mga petsa, kung kailan idaraos ang ASEAN Summit sa Metro Manila.

Ang Presidential Security Group o PSG umano ang source nito, na kumalat naman sa social media gaya ng Facebook.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang inilalabas na anumang deklarasyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Abella, ang lumabas sa social media ay hindi opisyal at hindi galing sa Malakanyang.

Sa ASEAN summit, inaasahang darayo sa bansa ang matataas na lider ng bansa gaya nina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.

Ang Pilipinas ang host country ng ASEAN summit sa taong ito, kaya punong-abala ang gobyerno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Asean, fake news, suspension, Asean, fake news, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.