Dalawang testigo sa pagkamatay ng UST law student nakikipag ugnayan sa DOJ
Dalawang testigo sa pagkamata ng UST law student na si Horacio Castillo III ang nakipag-ugnayan na sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, isang hindi miyembro ng Aegis Juris Fraternity ang nagtungo sa DOJ at nakipag-usap sa kanya para sabihing may nalalaman ito sa pagkamatay ni Castillo.
Ang isa naman aniya ay miyembro Aegis Juris na nakipag-ugnayan naman sa pamamagitan ng text at sinasabing nakahanda rin siyang tumestigo sa kaso.
Natatakot aniya ang mga ito para sa kanilang kaligtasan matapos pagbantaan ng mga miyembro ng fraternity.
Sinabi pa ng kalihim na may walong bagong miyembro ng Aegis Juris ang itinatago ang kanilang fraternity na may nalalaman din sa kaso.
Ang dalawang nais tumestigo ayon kay Aguirre ay may nalalaman din sa naunang insidente ng hazing na kinasasangkutan ng Aegis Juris Fraternity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.