WATCH: 300 pulis mula Malabon, Navotas at Valenzuela, inilipat sa Caloocan

By Mark Gene Makalalad September 22, 2017 - 11:12 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Inilipat na sa Caloocan Police Station ang 300 pulis na pawang mula sa Malabon, Navotas at Valenzuela.

Sa send-off ceremony na ginanap sa Northern Police District (NPD), binasa ang order na mula sa DPRM o Directorate for Personnel and Records Management na nagpapatunay na bago na ang kanilang assignement.

Ayon kay Police Chief Supt. Amando Clifton Empiso, NPD Director ang ginawang reassignment ay para magkaroon ng reporma sa Caloocan Police na tila nasira na ang imahe at nakaapekto na sa buong National Capital Region Police Office (NCRPO).

Mensahe ni Empiso sa mga bagong lipat na pulis, magsilbing hamon sa kanila ang reassignment dahil kapag nabalik na ang ‘glory’ ng Caloocan Police Station ay sila ang dahilan nito.

Dagdag pa ni Empiso, dapat maging inspirado ang mga pulis na galing Malabon, Navotas at Valenzuela.

Dapat umano nilang tuluran ang ginawang kagitingan ng nasawing si PO3 Junior Hilario at ng bagong promote na si PO2 Ronald Anicete na nasaksak sa paglaban sa isang drug suspect.

Matatandaang nabalot sa kontrobersya ang Caloocan Police dahil sa pagkamatay ni Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.

Bukod dito, naging kwestyonable rin ang isa nilang operasyon kung saan nakitang kumuha sila ng mga gamit sa isang bahay nang walang search warrant at hindi naka-uniporme.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: caloocan police, NCRPO, northern police district, PNP, caloocan police, NCRPO, northern police district, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.