Dalawang bagitong pulis, arestado sa pangingikil sa isang rape suspect

By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2017 - 10:41 AM

Arestado ang dalawang baguhang pulis dahil sa umano ay pangingikil sa isang lalaking suspek sa rape.

Ayon kay PNP – Counter-Intelligence Task Force (CITF) chief Senior Supt. Jose Chiquito Malayo ang dalawang pulis ay sina PO1 Leomer Redondo Suarez, na kaka-reinstate lang matapos mag-AWOL at si PO1 Allan Madrigal na kasalukuyan namang nasa AWOL status at may nakabinbing appeal for reinstatement.

Kapwa tauhan ng National Capital Region Police Office ang dalawa.

Naaresto sina Suarez at Madrigal sa entrapment operation na isinagawa sa Pasay City.

Ayon sa nagreklamo, tinakot siya ng dalawang pulis na sasampahan siya ng kasong rape kapag hindi siya nagbigay ng P200,000.

Inakusahan kasi siya ng panggagahasa ng kaniyang ka-board mate na babae noong August 18 matapos silang mag-inuman.

Mula sa P200,000, bumaba pa sa P50,000 ang hinihinging pera ng dalawang pulis.

Pinilit din umano siya ng mga pulis na gumawa ng promissory note na mangangakong magbabayad siya ng P10,000 kada buwan hanggang mabuo niya ang hinihinging pera.

Hawak na ng mga tauhan ng CITF ang dalawang pulis na kapwa sasampahan ng kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: arrested, NCRPO, PNP, police arrested for extortion, arrested, NCRPO, PNP, police arrested for extortion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.