Seguridad mula sa WPP inialok ng DOJ sa mga testigo sa pagkamatay sa hazing ng isang UST law student
Nag-alok ng seguridad si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para sa mga testigo sa hazing na ikinamatay ng UST law student na si Horacio Castillo III.
Ayon kay Aguirre, nakahandang bigyan ng seguridad sa pamamagitan ng witness protection program ang lahat ng testigo sa pagkamatay ni Castillo.
Ang dapat lamang anyang gawin ng mga ito ay lumapit sa kanyang tanggapan at magsabi ng totoo at sila ay ilalagay sa ilalim ng WPP.
Sa pamamagitan nito ayon kay Aguirre ay malilinis din ng mga tetestigo ang kanilang mga pangalan.
Sinabi ng kalihim na maaring magtiwala sa kanila ang mga ito kasabay ng pagtitiyak na walang dapat ikatakot ang mga nagbabakak maglahad ng testimonya.
Iginiit ni Aguirre na mas dapat matakot ang mga ito sa mga taong nagpapayo na huwag magsalita.
Delikado anya ang mga nasabing indibidwal dahil sa mga hidden agenda.
Maari ding makipag-ugnayan ang mga lulutang na testigo sa itinakdang “DOJ Horacio hotline” na 09954429241.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.