Isa sa mga suspek sa pagkamatay ni Atio Castillo, may surrender feeler na
Nagpahayag na ng kahandaang sumuko si John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay ng freshman law student na si Horacio Castillo III.
Lulutang anumang oras sa mga otoridad si John Paul Solano na isa sa mga itinuturing na pangunahing suspek dahil siya mismo ang nagsugod kay Castillo sa Chinese General Hospital.
Sa kaniyang gagawing pagharap ilalahad ni Solano sa mga otoridad na hindi siya kasama sa nagsagawa ng initiation rites kay Castillo.
Tinawagan lang umano kasi ito noong umaga ng Linggo para utusan na isugod ang biktima sa ospital.
Sa nalantad na conversation sa Facebook messenger ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity, noong Linggo ng umaga, nag-message ang isa pang frat member na si Axel Hipe ng “emergency”.
Matapos ito, muli siyang nag-message at hinihingi niya ang number ni “Popoy”.
Ang “Popoy” na tinutukoy sa mensahe ay si Solano.
Patuloy naman ang panawagan ng Manila Police District (MPD) sa mga miyembro ng fraternity group na magtungo sa headquarters para ilahad ang kanilang nalalaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.