PNP Chief Bato sa martial law protesters: ‘Move on na tayo’

By Rhommel Balasbas September 22, 2017 - 02:09 AM

 

Matapos ang pagsasagawa ng serye ng mga protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa kaugnay ng anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, may mensahe si PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga ralyista.

Ito ay ang kalimutan na ang pangyayari at mag-move on na.

Ayon kay Dela Rosa, ilang taon na rin ang nakalilipas na walang ganitong kalaking protesta laban sa pangyayaring ito.

Kaya’t nagtataka anya siya kung bakit binubuhay pa ito at iginiit sa mga nagpoprotesta na magmove on na.

Dagdag pa ni Bato, siya rin mismo ay nabiktima ng batas militar noong siya ay bata pa.

Ngunit ang pang-aabusong naranasan niya ay ginawa niya anyang pangako sa sarili na magiging mabuti siyang alagad ng batas balang araw.

Pinabulaanan din ng PNP chief na may plano si Pangulong Duterte na magdeklara ng martial law sa buong bansa at iginiit na ang tatlong sangay ng gobyerno sa kasalukuyan ay functional at epektibong nagagawa ang mandato ng mga ito.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.