CHR, isang monitoring at oversight body at hindi law enforcement institution-Gascon
Kung nais ng Kongreso na magkaroon ng ‘police functions’ ang Commission on Human Rights, dapat ay mabigyan ito ng karagdagang pondo.
Ito ang paliwanag ni CHR Chairman Chito Gascon matapos na ibalik ng Kongreso ang kanilang pondo mula sa dating inirekomendang isang libong piso para sa suusnod na taon.
Paliwanag ni Gascon, kalimitang iginigiit ng Kongreso na dapat ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang CHR sa iba pang mga kaso tulad ng ginagawa ng PNP.
Gayunman, nilinaw ni Gascon na hindi isang law enforcement institution ang CHR kung hindi isang oversight and monitoring body ito.
Malinaw rin aniyang di hamak na napakaliit ng pondo ng CHR kung ikukumpara sa Pambansang Pulisya.
Bilang katunayan aniya, mas malaki pa ang pondo ng PNP para sa kanilang ‘Oplan Tokhang’ kung ikukumpara sa kabuuang budget ng CHR.
Lalo aniyang mahihirapan ngayon ang CHR dahil sa halip na ibigay ang kanilang orihinal na budget na hinihingi para sa 2018 na P623 milyong piso, ay tanging P508 milyon lamang ang ibinigay ng Kamara sa komisyon.
Matatandaang naging kontrobersyal ang pagbibigay ng isanlibong pisong budget ng Kamara sa CHR sa gitna ng pagpuna ng komisyon sa mga kaso ng EJK sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.