Salalima, magre-resign dahil sa “conflict of interest”

By Kabie Aenlle September 22, 2017 - 01:05 AM

 

Conflict of interest ang ugat ng pagbibitiw ni Informations and Communications Technology Sec. Rodolfo Salalima sa pwesto.

Kinumpirma naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggapin niya ang resignation ni Salalima bilang “delicadeza.”

Ayon sa pangulo, sa ngayon ay naghahanap na siya ng maaaring pumalit kay Salalima sa DICT.

Si Salalima ay naging kaklase ni Duterte sa San Beda College of Law, at dating mataas na opisyal sa isang telecom company.

Una nang sinabi ng Malacañang na “personal and work-related” reasons ang dahilan ng pagbibitiw sa pwesto ni Salalima.

Gayunman, hindi naman naging malinaw kung kaugnay saan ang sinasabing “conflict of interest” na kaniyang kinasasangkutan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.