Isa ang napatay na alkalde ng Ozamiz City na si Reynaldo Parojinog sa mga nag-pondo ng panggugulo ng Maute terror group sa Marawi City.
Ito ang isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa paliwanag ng pangulo, sinabi nitong bukod sa mga Parojinog, may iba pang mga pulitiko sa Central Mindanao at mga sangkot sa droga ang naglaan ng pondo upang guluhin ang lungsod.
Isang papel na naglalaman ng pangalan ni Parojinog ang ipinakita pa ng pangulo na magpapatunay umano ng pagkakasangkot ni Parojinog sa naturang pagsalakay ng Maute group noong May 23 sa Marawi.
Matatandaang si Mayor Parojinog, asawa nito, isang kapatid, isang pinsan at labindalawa pa katao ang nasawi sa police raid na isinagawa sa ilang lugar sa lungsod ng Ozamiz City noong July 30.