Martial law anniversary rally, naging matiwasay

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Mapayapang nagtapos ang mga aktibididad sa ika-45 taong anibersaryong deklarasyon ng martial law at ang mga kasabay na kilos-protesta laban sa adminsitrasyong Duterte ngayong araw.

Pasado alas 10:00 ng gabi, maayos na nagtapos ang rally at programa ng mga grupong kumokontra sa pangambang manumbalik ang martial law at angkan ng mga Marcos sa puwesto sa ilalim ng administrasyong Duterte sa Luneta.

Marami rin sa dumalo ang nanawagan na mahinto na ang araw-araw na patayan sa mga lansangan sa ilalim ng giyera kontra droga ng pamahalaan.

Maging ang mga rally ng grupo ng sumusuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte ay natapos nang mas maaga nang walang insidente ng kaguluhan na naitala.

Bagamat naging maingay sa mg sigawan at tugtugan ang magkabilang panig ng pro at anti Duterte supporters, nanatiling matiwasay ang pangkahalahatang sitwasyon ngayong araw.

Sa pinakahuling impormasyon mula sa PNP, umabot sa 8,000 ang taong dumalo sa mga pagkilos.

Read more...