Plano ng Commission on Higher Education (CHED) na baguhin nag kanilang mga regulasyon na ipinatutupad kaugnay sa mga fraternities sa mga kolehiyo.
Ito ay kasunod na rin ng pagkamatay ng panibagong biktima ng hazing na si UST law student Horacio Tomas Castillo III.
Sa budget deliberations ng Senate Finance subcommittee, sinabi ni CHED Chairperson Patricia Licuanan na maglalatag sila ng mga proactive approach para maiwasan na ang mga ganitong uri ng karahasan.
Ikinukunsidera ni Licuanan na rebisahin ang CHED memorandum order 4 noong 1995 upang matukoy kung may sapat na itong ngipin para parusahan ang mga sangkot sa mga mararahas na aktibidad ng fraternities.
Nakasaad sa kautusan na ang mga opisyal ng mga fraternity na mapatutunayang nagkasala ay papatawan lamang ng 60-araw na suspensyon.
Sa ngayon anya hindi pa nagrereport sa kanila ang unibersidad hinggil sa pagkamatay ni Atio.