DICT Sec. Salalima, magbibitiw sa pwesto

Nais nang magbitiw ni Rodolfo Salalima bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology.

Sa isang pahayag, kinumpirma ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na inihain ni Salalima ang kanyang resignation letter.

Aniya, isinaad ng kalihim na nais niyang magbitiw dahil sa personal na rason at work-related reasons.

Sinabi ni Abella na sa ngayon, hindi pa tiyak kung tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbitiw sa pwesto ni Salalima.

Sa ngayon, tikom pa ang bibig ng kalihim sa usapin.

Samantala, ayon naman sa isang source, magbibitiw sa pwesto si Salalima dahil sa burukrasya at pulitika sa serbisyo publiko.

 

 

Read more...