Libu-libong katao, nakiisa sa protesta ngayong National Day of Protest
Libu-libong katao ang lumahok sa isinagawang protesta sa Luneta Park para ipanawagan ang patuloy na nagaganap na patayan sa bansa.
Alas kwatro pa lang ng hapon ay nagdadatingan na ang mga gustong makiisa sa protesta.
Ang naturang protesta ay inorganisa ng Movement Against Tyranny.
Samut-saring mga placards ang dala-dala ng mga taong lumahok sa programa na kinabibilangan ng mga kabataan, estudyante, mga madre at pari.
Una dito, inabisuhan ang mga nakiisa na iwasan na magkaroon ng tensyon at kung humatong man sa pagging bayolente ay mangayring ito ay ipaalam sa mga marshalls sa paligid.
Kaugnay nito, ayon sa National Capital Regional Police Office tinatayang nasa nasa mahigit 8,000 katao bandang alas sais ng gabi sa kabila ng pag-ulan sa lugar.
Habang pinangunahan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan at Sanlakas ang protesta sa Mendiola para kundenhain ang naging deklarasyon ng batas militar 45 taon na ang nakararaan.
Kanilang iginigiit na hindi natapos ang kawalan ng katarungan sa rehimeng Marcos.
Alas nuebe pa lang ng umaga ay nagtipon na ang mga miyembro ng Sanlaks sa
Blumentritt at nagmartsa patungong University of Santo Tomas para samahan ang Bagong Alyansang Makabayan.
Kasama din dito ang iba pang grupo na partikular mula sa sektor ng paggawa.
Bandang 1:30 ng hapon naman ay sumama na rin ang grupo ng Akbayan, Karapatan at Sandugo sa Mendiola.
Kaugnay nito, nasa 500 mga pulis ang itinalaga ng Manila Police District in Mendiola (MPD) para nasabing protesta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.