Mga miyembro ng LP, sama-samang dumalo sa misa sa paggunita ng anibersaryo ng Martial Law

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Nagsama-sama ang ilang miyemrbo ng Liberal Party (LP) para ipnawagan ang pagkakaisa sa isinagawang misa para sa paggunita sa ika-45 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa Parish of the Holy Sacrifice sa UP Diliman.

Pinangunahan ni Fr. Jose Ramon “Jett” Villarin, SJ, ang misa habang ang homily naman ay pinangunahan ni Br. Jose Mari Jimenez.

Ayon kay Vice President Leni Robredo na siya tumatayong LP Chairperson, tila hindi natuto ang mga Pilipino sa naging karanasan noong panahon ng Martial Law.

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Naghandog ng mga bulaklak sina Robredo at nagtirik ng kandila para sa mga naging biktima ng Martial Law at ng mga pagpatay.

Dumalo din sa naturang misa sina dating pangulo Noynoy Aquino, mga senador na sina Bam Aquino, Franklin Drilon at Francis Pangilinan.

Kabilang din sa mga dumalo sina dating Social Welfare Secretary Dinky Soliman at dating Interior Secretary Mar Roxas.

Dinaluhan din ito ng mga tagasuporta ng LP, mga human rights advocates at mga benipisiyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Read more...