Duterte’s Kitchen, namahagi ng libreng lugaw sa mga tagasuporta nito sa Plaza Miranda

By Rod Lagusad September 21, 2017 - 06:51 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Namahagi ang nasa apat na truck ng Duterte’s Kitchen ng lugaw sa mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumahok sa Plaza Miranda sa Maynila para sa National Day of Protest.

Ayon sa isa mga organizer nito na si Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Board Member Benny Antiporda ay kanilang inaasahan na nasa 50,000 mga tagasuporta ang makikiisa sa pro-Duterte rally.

Base sa ulat ng mga otoridad, bandang alas kwatro ng hapon ay nasa 16,000 na ang bilang nga nakiisa sa rally sa nasabing lugar.

Nakikiisa naman si Pangulong Duterte siya ay nsa panawagan ng publiko sa lahat ng pagkukulang at sobrang ginagawa ng pamahalaan.

Aniya kaisa rin siya sa pagkakaroon ng gobyerno ng accountability at integridad nito.

Matatandaang idineklara ni Pangulong Duterte ang September 21, 2017 bilang National Day of Protest.

TAGS: Duterte Kitchen, national day of protest, Plaza Miranda, Rodrigo Duterte, Duterte Kitchen, national day of protest, Plaza Miranda, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.