Mga pamilya ng biktima ng pagpatay, dumalo sa misa sa San Agustin Church
Dumalo sa isang misa ang mga pamilya ng mga biktima ng pagpatay sa San Agustin Church sa Intramuros, Manila.
Pinangunahan ni Caloocan Bishop Pablo David ang selebrasyon ng misa na dinaluhan din ng mga pamilya ng mga biktima ng pagpatay mula sa Caloocan, Valenzuela at Navotas.
Sumentro naman ang sermon ni Bishop David sa mga patayan dahil sa bawal na gamot.
Kinundena nito ang mga patayang pagtago na hindi nakukunan ng CCTV.
Kinakabahala din ni Bishop David ang kamatayan ng konsensya ng marami dahil sa pagtanggap sa nangyayaring patayan.
Umapela naman ito sa publiko na unawain ang ugat ng problema sa bawal na gamot, iwaksi ang masama at ibangon ang dangal bilang isang bayan.
Bago matapos ang misa, inanunsyo nito na nagbuo siya ng tatlong spiritual support group sa nasasakupan niyang diocese para sa mga pamilya ng biktima ng ng pagpatay.
Pagkatapos ng misa nagsimula ng maglakad ang mga dumalo ng misa para pumunta naman sa Luneta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.